OFW remittances noong Nobyembre 2022, tumaas ng halos 6%– BSP
Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang US$2.93 billion na personal remittances mula sa mga Pinoy abroad noong Nobyembre 2022.
Ayon sa BSP, tumaas ang pera na ipinadala ng Pinoy overseas ng 5.8 percent mula sa US$2.77 billion noong Nobyembre 2021.
Sinabi ng central bank na ang pagtaas ng personal remittances noong November 2022 ay bunsod ng mas malaking remittances na ipinadala ng land-based workers na may work contracts na isang taon o higit pa at land-based workers na may kontrata na wala pang isang taon.
Kaugnay nito, tumaas ang cumulative personal remittances sa US$32.65 billion o 3.4 percent sa unang 11 buwan ng 2022.
Mula sa personal remittances ng overseas Filipinos, ang cash remittances na ipinadala sa mga bangko ay umakyat naman sa US$2.64 billion noong November 2022.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 5.7 percent sa parehong buwan noong 2021.
Ang pagtaas sa cash remittances ay mula karamihan sa US, Saudi Arabia, Singapore, at Qatar.
Moira Encina