OFW remittances , tumaas – BSP
Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tumaas ng 2.4 percent ang cash remittances ng overseas filipino workers na ipinadadaan sa mga bangko noong Oktubre .
Kumpara ito sa 2.373 Billion dollars noong Setyembre na pinakamataas naman mula noong Hulyo na may $2.85 Bllion.
Nasa 25.9 Billion dollars o 5.3% ang year to date cash remittances mula sa 24.6 billion dollars naman ang naitala sa kahalintulad na panahon noong 2020 kung saan, ang US ang mga pinakamalaking share sa overall remittances sa unang sampung buwan ng taon.
Sumusunod dito ang Singapore ,Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar,at South Korea na binubuo naman ng 79 % na total cash remittances.