OFW remittances tumaas ng 4.8% noong Setyembre
Tumaas ng halos 5% ang perang ipinadala ng mga Pinoy na nagtatrabaho abroad.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa US$3.026 billion ang personal remittances ng mga OFWs noong Setyembre na katumbas ng 4.8% na pagtaas mula sa US$2.888 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2020.
Ang cash remittances naman ng mga OFWs noong Setyembre na ipinadala sa mga bangko ay nasa US$2.737 billion mula sa US$2.601billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon o 5.2% na pagtaas.
Sinabi pa ng BSP na umabot sa US$23.117 billion ang cash remittances sa unang siyam na buwan ng taon na mas mataas ng 5.6% kumpara noong 2020.
Ang pagtaas ng cash remittances mula sa Estados Unidos, Malaysia, Taiwan, at South Korea ang pangunahing nag-ambag sa growth sa remittances mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Ang U.S. ang may highest share sa overall remittances na 40.8 % sa unang siyam na buwan ng 2021.
Moira Encina