OFW’s hindi na kailangang kumuha ng Overseas Employment Certificate ayon sa DOLE
Inanunsyo ng DOLE o Department of Labor and Employment na hindi na kakailanganin ng Overseas Filipino Workers o OFW’s na kumuha ng Overseas Employment Certificate simula sa katapusan ng buwan.
Kasunod ito ng ilang reklamong tinanggap ng DOLE kaugnay sa mahirap na online processing ng O-E-C at iba pa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng OFW ay bibigyan ng identification card na siyang magiging kapalit ng O-E-C.
Maaari aniyang kunin ng mga OFW ang naturang ID ng libre sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
Please follow and like us: