OFW’s maaari nang magbayad ng OWWA fee sa mobile app
Maaari nang magbayad ang mga Overseas Filipino Workers ng kanilang Overseas Workers Welfare Administration o (OWWA) fee sa pamamagitan ng smartphones.
Inanunsiyo ito sa idinaos na Migrant Workers Day sa Pasay City na sapamamagitan ng OWWA mobile app ay maaari na nilang bayaran ang $25 biannual membership fee kung walang OWWA office sa bansa na kanilang pinagtatrabahuhan.
Maaari ding tignan sa mobile app ang contract information, membership status, payment history at loan programs ng OFW’s.
Magagamit din ang mobile app para makita ang mga serbisyong inihahandog ng OWWA.
Ayon sa OWWA nasa mahigit 10,000 downloads na ang nasabing app pagkatapos itong mailabas noong OWWA 35th founding Anniversary.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo