OFW’s na apektado ng isyu sa Qatar tutulungan ng Malakanyang

Inatasan na ng Malakanyang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tutukan ang mga Overseas Filipino Workers na maapektuhan ng desisyon ng Saudi Arabia, United Arab Emerites, Egypt at Bahrain na putulin ang diplomatic ties sa Qatar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bibigyan ng kaukulang tulong mula sa gobyerno ang lahat ng mga maapektuhang OFW’s.

Nagkaisa ang mayayamang Gulf Arab State na kinabibilangan ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt at Bahrain na putulin na ang  diplomatikong ugnayan sa Qatar dahil sa isyu ng terorismo.

Naniniwala ang pamahalaan ng Saudi Arabia na pangunahing supporter ng mga terorista sa Gitnang Silangan.

Tinatayang nasa limampung libong OFW’s ang nagtratrabaho sa Qatar na kamakailan lamang ay dumalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte noong  Abril.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *