OFW’s sa Hongkong na positibo sa COVID- 19 tinutulungan na ng pamahalaan ng Pilipinas
Sinaklolohan na ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga Overseas Filipino Workers o OFWS sa Hongkong na tinamaan ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na tinutulungan na ng Philppine Overseas Labor Office o POLO ang mga OFWs na COVID-19 positive.
Ayon kay Nograles kabilang sa tulong na ibinigay sa mga OFWS sa Hongkong na may COVID-19 ay pagkain, hygiene kits, power bank para sa kanilang komunikasyon habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection and Hongkong Labour Department para sa kanilang isolation at quarantine facility.
Inihayag ni Nograles magbibigay din ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ng financial assistance na 200 US dollars sa bawat OFWs na nagpositibo sa COVID -19.
Batay sa report mayroong 28 OFWS sa Hongkong ang nagpositibo sa COVID- 19 lima sa kanila ay nakarekober na at tatlo sa mga ito ay nakabalik na sa kanilang mga employer.
Vic Somintac