OFWs sa Hongkong na tinamaan ng COVID-19 na gustong umuwi sa Pilipinas pinasusundo ni Pangulong Duterte – Malakanyang
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana na gamitin ang air assets ng Philippine Air Force o kaya ay gumamit ng chartered commercial flights upang sunduin ang mga Overseas Filipino Workers o OFWS sa Hongkong na tinamaan ng COVID- 19 na inabandona ng kanilang mga employer at nagnanais na makauwi na sa bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Operation Office o PCOO Secretary Martin Andanar na nalulungkot ang Pangulo sa sinapit ng mga OFWs sa Hongkong.
Ayon kay Andanar nakikipag-ugnayan na si Secretary Lorenzana sa Department of Foreign Affairs o DFA at sa konsulado ng Pilipinas sa Hongkong upang maisakatuparan ang repatriation sa mga distress OFWs.
Inihayag ni Andanar na on going ang ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa mga OFWs para sagipin ang mga ito sa kanilang kawawang kalagayan matapos lumobo ang kaso ng COVID-19 sa Hongkong Special Administravie Region.
Vic Somintac