Oil companies hindi muna nagpatupad ng price adjustment ngayong araw
Hindi muna nagpatupad ng oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Taliwas ito sa naging anunsyo kahapon ng Department of Energy na may katiting na rollback sa presyo ng produktong petrolyo bunsod ng mababang demand at sobrang suplay ng langis sa world market.
Ayon sa oil companies, ginawa nila ang nasabing pasya para makapagpahinga ang mga motorista dahil sa walong sunod-sunod na linggong pagpapatupad nila ng oil price hike.
Please follow and like us: