Oil firms na nagsasamantala at nagtataas ng presyo binalaan ng DOE
Nagbanta ang Department of Energy na ipasasara ang mga kumpanya ng langis na nagsasamantala at nagtataas ng presyo.
Nakatanggap ng report ang DOE na sa Boracay at ilang lalawigan, aabot na sa 100 pesos kada litro ang bentahan ng gasolina.
Sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza jr na bagamat pumalo na sa 113 dollars kada bariles ang langis sa pandaigdigang merkado, bawal ang sobra sobrang singil at labag sa umiiral na competition sa ilalim ng Oil deregulation law.
Nagsasagawa na raw sila ng imbentaryo sa lahat ng oil companies at kung mapapatunayan ang overpricing, pwedeng ipasara ang mga kumpanyang ito.
Maaring magbigay ng diskwento sa mga Public Utility Vehicle.
Pero hindi nito masagot kung kailan maaring maipamahagi ang ayuda para sa ayuda ng mga transport groups dahil nasa kamay ito ng LTFRB na nasa ilalim ng DOTr.
Sa inaprubahang budget ng Kongreso ngayong 2022, aabot sa 2.5 billion pesos ang budget para sa ayuda sa transport sector bukod pa ang 500 million para naman sa mga mangingisda na gumagamit rin ng gasolina.
Pero ayon sa DBM hindi pa raw mailabas ang pondo dahil hinihintay pa ang guidelines mula sa DOTr at DOE.
Meanne Corvera