Oil price freeze ipapatupad sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Agaton
Nag-anunsyo ng price freeze sa Liquified Petroleum Gas o LPG at iba pang kerosene products ang Department of Energy (DOE) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Agaton.
Sa advisory ng DOE, sinabing ang price freeze sa LPG at Kerosene ay epektibo mula noong Abril 8 hanggang 22, 2022 sa Cateel, Davao Oriental at Davao de Oro province.
Habang Abril 12 hanggang 26, 2022 naman epektibo ang oil price freeze sa Baybay City, Leyte.
Sa ilalim ng Republic Act 7581 o price act, dapat magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing energy products sa mga lugar na nasa State of calamity.
Sinuman ang lalabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagkakabilanggo ng hanggang 10 taon o multa mula 5,000 hanggang 1 milyong piso depende sa pasya ng Korte.