Oil samples patuloy pa sinusuri ng marine environmental protection unit upang matukoy ang pinagmulan ng oil spill Puerto Princesa, Palawan – PCG
Aabot sa halos 2 drum ng langis ang nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa katubigang sakop ng Puerto Princesa City Port sa Palawan nitong weekend.
Ayon sa PCG, matapos matanggap ang impormasyon ng oil spill agad silang naglagay ng oil spill boom at absorbent pads sa lugar.
Tinatayang nasa 500 square meters ng tubig ang naapektuhan ng oil spill.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng PCG ang pinagmulan ng oil spil, pero kumuha na sila ng oil samples na patuloy pa ring sinusuri ng marine environmental protection unit.
Kumuha rin umano sila ng samples mula sa 2 barko na dumaong sa pantalan para sa fingerprinting analysis at comparison ng langis.
Nakipag-ugnayan rin umano ang PCG maging sa umalis na RORO/passenger vessel na umalis sa pantalan ilang oras bago ang insidente para makuhanan sila ng oil samples upang magamit sa testing.
“Coast Guard’s marine science technicians also acquired oil samples from the two vessels berthed at the Puerto Princesa City port for fingerprinting analysis and comparison of possible spilled oil sources. They also coordinated with another RORO/passenger vessel that departed the port hours before the incident to obtain oil samples for testing.” – pahayag ng Philippine Coast Guard
Tiniyak ng PCG na sa oras na matapos ang pagsusuri sa mga oil sample ay agad nilang ilalabas ang resulta nito.
Madelyn Moratillo