Omic Technologies for health, bagong teknolohiyang handog ng DOST-PCHRD
Omic Technologies for Health : “Lunas na sakto sa Filipino”.
Ito ang bagong teknolohiya para sa kalusugan na idinevelop ng Fepartment of Science and Technology o DOST-Philippine Council for Health research and Development o PCHRD.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, PCHRD Executive Director, malaki ang maitutulong ng naturang teknolohiya upang malapatan ng angkop na lunas ang isang pasyente.
Inihalimbawa ang mga taong may mataas na blood pressure o hypertensive.
Sa pamamagitan ng Omic Technology, matutukoy agad kung anong gamot ang dapat na i reseta sa pasyente na sakto sa kanyang taglay na karamdaman.
Sinabi pa ni Dr. Montoya na ang ultimate vision ng kanilang ahensya sa paggamit ng Omic technology platforms ay upang makadevelop ng local technologies para sa personalized medicines, diagnostics at therapeutics sa filipino patients sa pamamagitan ng holistic approach.
Katuwang sa nasabing pag-develop ng teknolohiya ang Philippine Genome center.
Ulat ni Belle Surara