Omicron subvariant XBB.1.9.1 na-detect na rin sa Pilipinas
Nakapasok na rin sa Pilipinas ang bagong Omicron subvariant na XBB.1.9.1 na siyang dahilan sa pagkalat muli ng COVID-19 infection sa buong mundo.
Sa kumpirmasyon ng Department of Health (DOH), na-detect ang kaso ng XBB.1.9.1 sa latest bio-surveillance report nitong Huwebes, Abril 13.
May 54 na kaso ng XBB.1.9.1 ang bansa – ang bagong XBB sublineage na nadagdag sa tala ng mga variants na nasa ilalim ng monitoring ng World Health Organization (WHO) mula noong March 30.
May 39 na kaso ang na-detect sa mga samples na na-sequence ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) mula April 3 hanggang 11.
Hindi pa nagbibigay ng detalye ang DOH sa 15 iba pang kaso ng XBB.1.9.1 sa bansa.
Sa DOH report, isinaad na “the variant has been detected in 63 countries or jurisdiction across 6 continents, according to sequence submissions in GISAID.”
Gayunman wala daw dapat ipag-alala dahil “available evidence for XBB.1.9.1 does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original Omicron variant.”
Samantala, iniulat din ng DOH na na-detect din ang 150 bagong kaso ng Omicron COVID-19 subvariants.
75 sa mga na-sequence ay kinlasipika bilang XBB na kinabibilangan ng 30 XBB.1.5; 70 kaso ng BA.2.3.20; 2 kaso ng XBC; 1 kaso ng CH.1.1; 1 kaso ng BQ.1; at 1 kaso ng BA.2.
Sa mga bagong kaso ng XBB, 8 ang returning overseas Filipinos habang 67 naman ang local cases mula sa regions 1, 3, 4A, 6, 7, 8, 11, 12, CAR, at NCR.
Sa kaso naman ng BA.2.3.20, 1 ang ROF at ang nalalabi ay local cases mula sa regions 2, 3, 4A, 7, at 11. Sa region 11 naman na-detect ang kaso ng BQ.1 at XBC habang sa region 4B naman na-detect ang CH.1.1 case.