Omicron surge crisis sa Pilipinas, nalagpasan na – DOH
Nalagpasan na ng bansa ang crisis stage pagdating sa COVID-19 surge na dulot ng Omicron variant.
gayunman, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na tuluyang natatapos ang pandemya ng COVID-19 at posibleng matagal pa raw na mag-aantay ang bansa bago matapos ang pandemya.
Sinabi pa ni Duque na bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa buong bansa pagdating sa two-week growth rate, average daily attack rate o ADAR at Healthcare utilization.
Sa ngayon, ang two-week growth rate o bilis ng pagdami ng kaso sa bansa ay nasa negative 81 percent habang ang adar o bilang ng COVID positive ay nasa pitong kaso sa kada isandaang libong populasyon na maikokonsiderang low risk gayundin ang health system capacity.
Una nang sinabi ni Duque na walang nakakaalam kung kailan o kung may matutuklasan pang bagong variant of concern.
Matatandaan naman mababa ang COVID-19 cases sa Pilipinas mula Nobyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon hanggang sa paglitaw ng mas nakahahawang Omicron variant.