Once a Day Religious gathering sa NCR plus bubble simula April 1-4, pinayagan ng IATF
Pinahintulutan ng Inter Agency Task force (IATF) ang pagdaraos ng once a day religious gathering simula sa April 1 hanggang April 4 sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR plus bubble na nasa ilalim ng pinahigpit na General Community Quarantine..
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa IATF resolution, mananatiling 10 percent capacity lamang ang maaaring pumasok sa venue at kinakailangang by appointment.
Ayon kay Roque hindi rin pinapayagan na magkaroon ng pagtitipon sa labas kaya bawal ang paglalagay ng mga audio at video streaming.
Inihayag ni Roque hangga’t maaari ay bawal ang live religious singing kaya mas makabubuti kung recorded na lamang ang mga religious hymn.
Niliwanag ni Roque na hinihikayat ang mga tao na mas mabuting sa pamamagitan ng online dumalo sa mga religious gathering para hindi na lumabas ng tahanan habang umiiral ang pinahigpit na GCQ sa NCR plus bubble.
Vic Somintac