One year extension ng martial law sa Mindanao, pinagtibay ng Supreme Court
Pinagtibay ng korte suprema ang constitutionality ng isang taong extension ng batas militar sa Mindanao.
Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court en banc sa botong 10-5 ang mga petisyon na kumukwestyon sa pagpapalawig ng martial law hanggang sa katapusan ng 2018.
Ang sampung mahistrado pumabor ay kinabibilangan ng sumusunod,Associate Justices Noel Tijam, Presbitero Velasco Jr, Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Estela Perlas Bernabe, Samuel Martired, Andres Reyes Jr at Alexander Gesmundo.
Samantalang ang 5 mahistrado kumontra ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza at Alfredo Benjamin Caguioa.
Ayon sa Supreme Court, may sufficient factual basis ang joint resolution ng senado at kamara para palawigin ang batas militar sa mindanao ng isang taon.
Ulat ni Moira Encina