Online booking para sa Phil-ID registration, nakaabot na sa higit 220 lungsod at munisipalidad ng bansa

Mas nakararaming Filipino na ang makakapagparehistro para sa Philippine National ID.

Ito’y matapos ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na available na ang Step 2 registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa 220 lungsod at munisipalidad sa bansa.

Ang appointment schedules para sa Step 2 ay pwede nang gawin online sa pamamagitan ng https://register.philsys.gov.ph.

Kabilang sa Step 2 ang fingerprinting at iris scan.

Sa mga nakatapos naman sa Step 1 o face to face at house-to-house demographic data collection, ay hindi na kailangan pang magpa-book ng appointment dahil ang kani-kanilang lokal na pamahalaan na ang magbibigay ng update para sa shcedule ng kanilang Step 2 registration.

Para naman sa iba pang katanungan ay maaaring mag-email sa [email protected]. o tumawag sa hotline number na 1388.

Batay sa May 24 update ng PhilSys, nasa 10,092,022 na ang nakatapos sa Step 2 registration.

Please follow and like us: