Online Health monitoring system, sinimulan nang ipatupad sa UP Los Baños
Isinailalim na sa pilot test ng UP Los Baños ang UPLB
Online Health Monitoring System (OHMS).
Ayon sa UPLB, unang ipinatupad ang bagong gawa nilang contact tracing tool sa University Health Service at sa Abelardo G. Samonte Hall.
Target na maipatupad sa buong UPLB ang OHMS ngayong buwan.
Binuo ang OHMS para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga tanggapan ng pamantasan.
Maaaring ma-access ang OHMS kahit saang lugar basta may internet.
Bago papasukin sa kani-kanilang opisina sa UPLB, kailangan na sagutan ng mga kawani ang OHMS para ma-check ang mga sintomas sa COVID-19.
Ang mga UPLB personnel na walang online access ay maaari namang mag-report sa pamamagitan ng text message o kaya ay makipag-ugnayan sa kanilang OHMS officer.
Una nang naglabas ng kautusan ang Office of the Chancellor para gumawa ng individual at office OHMS accounts ang nasa UPLB community.
Moira Encina