Online job scammer nais ng Kamara na matigil na
Inihain sa Kamara de Representante ang resolusyon na magkakasa ng full-blown investigation upang matigil na ang talamak na online job scammer na nag-aalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
Sa House Resolution no. 899, sinabi ni House Deputy Speaker Camille Villar na maraming Pilipino ang nabibiktima ng sindikato ng online job scammer lalo na ang mga fresh graduates na naghahanap ng trabaho.
Ayon kay Villar dapat matukoy ang mga local placement agencies na ginagamit ng mga online job scammer syndicates upang mapanagot sa batas.
Sinabi ng mambabatas na hihilingin ng Kamara ang tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Foreign Affairs (DFA) upang mahubaran ng maskara ang mga nasa likod ng online job scammer.
Vic Somintac