Online payment of fees sa mga korte, isasalang sa pilot test
Maaari nang gawin online ang pagbayad sa legal fees sa mga piling trial courts sa bansa.
Ayon sa Korte Suprema, isasailalim nito sa pilot test ang Judiciary Electronic Payment Solution (JEPS) sa 20 first-level courts sa buong bansa.
Ang mga ito ay ang: Metropolitan Trial Courts ng Quezon City, Mandaluyong City, at San Juan City; at Municipal Trial Court in Cities (MTCC) ng Malolos City, Bulacan; Baguio City, Benguet; Angeles City, Pampanga; MTCC, Cabuyao City, Laguna; Naga City, Camarines Sur; Vigan City, Ilocos Sur; Ilagan City, Isabela; Puerto Prinsesa City, Palawan; Bacolod City, Negros Occidental; Lapu-lapu City, Cebu; Dumaguete City, Negros Oriental; Tacloban City, Leyte; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; Cagayan de Oro City, Misamis Oriental; Cotabato City, Maguindanao; Dipolog City, Zamboanga del Norte; at Davao City, Davao del Sur.
Inatasan ang mga Clerks of Court at Acting Clerks of Court ng nasabing 20 pilot courts na ipatupad ang Interim Guidelines Implementation ng JEPS.
Ang sistema ay limitado sa ngayon sa Union Bank accounts, bank transfer through instaPay at PESONet.
Layon ng JEPS na maging mas convenient ang assessment at payment ng legal fees at iba pang collections ng hudikatura.
Moira Encina