Online petition na humihiling na ibasura ang Quo Warranto petition laban kay CJ on-leave Sereno, naisumite na sa Korte Suprema

Isinumite sa Korte Suprema ang online petition na humihiling na ibasura ng Kataas-taasang Hukuman ang Quo warranto case laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa gumawa ng online petition sa change.org na si Hesed Jack Alvarez, nakakalap ng 16, 395 na lagda ang petisyon  na may titulong “An Open Appeal To The Supreme Court: Dismiss the Quo Warranto Petition”
Layunin umano ng pagsusumite ng kopya ng petisyon at compilation ng mga  lagda dito na maiparating sa mga mahistrado ng Supreme Court ang “overwhelming public rejection” sa quo warranto petition laban kay Sereno.
Iginiit sa petisyon ni Alvarez na ang quo warranto  case laban kay Sereno ay paglabag sa Saligang Batas at sa Rule of Law at banta sa kredibilidad ng Korte Suprema.
Umapela ito sa mga mahistrado ng Supreme Court na gawin ang tama at ibasura ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General.
Sa May 11 ay posibleng ilabas na ng Korte Suprema ang desisyon nito sa quo warranto case na humihiling na ipawalang-bisa ang appointment ni Sereno at patalsikin ito sa posisyon dahil sa isyu ng integridad.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *