Online registration para sa National ID, sinimulan ng PSA
Sinimulan na ng Philippine Statistic Authority ang online registration para sa National ID ngayong araw.
Tatlong proseso lang ang kailangang pagdaanan para makapag parehistro.
Una, pagpaparehistro online para sa pagkuha ng mga demographic information at schedule ng appointment sa PSA para naman sa step 2.
Ang step 2 pagkuha na ng bioMetric information at pagvalidate ng mga dokumento kung talagang sila ang nagparehistro online.
At ang ikatlo ay ang pagkuha na ng National ID.
Pero wala pang isang oras matapos buksan ang online registration, inulan ng reklamo ang PSA.
Reklamo ng ilang sumubok online, dalawang oras na silang nagta-try pero technical error ang lumalabas
Sinabi ni Nelson Enriquez, marahil mahinang IT developer ang kinuha ng PSA.
Ayon naman kay Noel Andrade, sana raw na anticipate ng PSA ang pagdagsa ng mga nais magparehistro lalot ini-anunsyo ito sa buong bansa.
Kwestyon ni Rolando Agustin paano makatitiyak na ligtas ang kaniyang personal information kung palpak ang serbisyo.
Humingi na nang paumanhin ang PSA sa puliko.
Paliwanag ng ahensya, umabot sa halos apatnapung libong registration request ang natanggap nila ilang minuto pa lamang matapos i anunsyo ang pagsisimula ng registration.
Dahil dito nagkaRoon aniya ng delay sa pagta transmit ng one time password na kailangan para sa registration.
Iniimbestigahan na raw ang isyu at agad isasapubliko oras na maresolba ang technical problema.
Maaring tumawag sa kanilang hotline na 1388 o kaya may email sa [email protected].
Meanne Corvera