Online shopping, pwede na sa Duty Free Philippines
Maaari nang makabili online sa Duty Free Philippines (DFP) ang mga balikbayan, dayuhang turista at mga Pilipino na galing sa biyahe abroad.
Ito ay makaraang ilunsad ang online shopping platform ng DFP.
Sinabi ni DFP Chief Operating Officer Vicente Pelagio Angala ito ay hakbangin nila para makamit ang target na kita nila ngayong 2024 na USD 167 million.
Ayon pa kay Angala, mas magiging kumbinyente na rin sa kanilang mga customer ang pamimili sa DFP.
Kinakailangan ng customers na gumawa ng account at magrehistro sa https://dutyfreephilippines.com.ph para makabili sa Duty Free Online Shop.
Ayon sa DFP, tumatanggap ito ng iba’t ibang forms of payment, international credit cards at digital wallets.
Moira Encina