Operasyon ng Legazpi airport, pansamantalang ipinatigil dahil sa sitwasyon ng Bulkang Mayon
Pansamantala munang ipinatigil ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang operasyon ng Legazpi airport dahil sa sitwasyon ng Bulkang Mayon.
Epektibo ang pagsasara ng paliparan kaninang alas- dos bente uno ng hapon hanggang alas-nuebe ng umaga bukas.
Pero depende pa rin umano ito sa magiging sitwasyon ng bulkan.
Nauna nang itinaas ng phivolcs sa Alert level 4 ang babala ng bulkan matapos magbuga ng volcanic ash.
Apektado ngayon ang mga flights ng Cebu Pacific mula Maynila patungong Legazpi at Mactan patungong Legazpi.
Inabisuhan naman ng CAAP ang mga piloto na dumadaan sa lugar na mag- ingat dahil sa panganib na dulot ng volcanic eruption.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===