Operasyon ng LRT 1, pahahabain na tuwing weekend at holiday

download
courtesy of wikipedia.org

Inanunsiyo ng  operator ng LRT 1 na Light Rail Manila Corporation na mas magiging mahaba na ang kanilang operating hours tuwing weekend at holiday.

Kaugnay ito ng inilabas na bagong timetable para sa weekday operation.

Ayon kay LRMC President at CEO Rogelio Singson, ang nasabing scheme ay makatutulong para mapa-ikli ang oras ng ipipila ng mga pasahero at ang dami ng tao sa mga istasyon kapag weekend at holiday.

Sa ilalim ng bagong weekend at holiday scheme, magsisimula ang takbo ng tren 4:30 ng umaga, na mas maaga ng 30 minuto.

Mula naman sa 423 trips ay magiging 472 trips na ang dami ng takbo ng mga tren kapag Sabado at mula 323 trips ay magiging 353 trips naman kapag Linggo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *