Operasyon ng mga paliparan sa bansa normal – CAAP
Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines na nananatiling normal ang operasyon sa lahat ng mga paliparan sa bansa sa gitna ng bakbakan sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni CAAP Spokesman Eric Apolonio kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Apolonio, nasa Cagayan de Oro ang pinakamalapit na airport sa Marawi City: ito ay ang Laguindingan International Airport.
Malayo pa ito para maapektuhan ng kaguluhang dulot ng Maute Group.
natasan ni Transportation Undersecretary for Aviation Capt. Manuel Tamayo ang lahat ng CAAP area manager sa bansa na ipatupad ang security protocol sa loob ng mga paliparan.
Hinimok naman ni Transportation Secretary Art Tugade ang publiko na manatiling mapagmatyag at i-report ang anumang kahinahinalang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamayan.