Operasyon ng mga pantalan sa Luzon balik na sa normal
Balik na sa normal ang operasyon ng ilang pantalan sa Luzon matapos ang 7.3 magnitude na lindol sa Abra kaninang umaga.
Una rito, itinigil muna ang operasyon pansamantala sa mga nasabing pantalan para mainspeksyon kung naapektuhan ng malakas na lindol na naramdam din sa ibang bahagi ng Luzon.
Sa report mula sa Philippine Ports Authority, sa mga pantalan sa northern luzon ay nakitaan ng hairline cracks sa gusali sa Port of Currimao sa ilocos Norte at Passenger Terminal Building sa Claveria, Cagayan.
Sa Port Management Office ng PPA sa South Harbor, nakitaan naman ng minor cracks sa wall plastering kaya magsasagawa pa daw ng karagdagan pang inspeksyon ang kanilang Engineering Department.
Matapos naman ang ocular inspection sa Calapan Port sa Mindoro, pantalan sa Bataan, Bicol, Palawan, at Masbate ay wala namang nakitang pinsala.
Madelyn Villar – Moratillo