Operasyon ng Pasig River Ferry, sinuspinde muna dahil sa mga water lily
Pansamantala munang sinuspinde ang operasyon ng Pasig River Ferry Service simula ngayong araw, Oktubre 14.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ito ay dahil sa navigational constraints dulot ng mataas na volume ng mga water hyacinths sa ilog o dinadaanan ng ferry.
Kaya naman para sa kaligtasan ng mga mananakay, napagpasyahang itigil muna pansamantala ang operasyon ng Pasig River Ferry Service.
Magbabalik naman sa normal ang operasyon ng Ferry Service sa oras na maging passable na ang ilog pasig.
Tiniyak naman ng MMDA na regular silang nagsasagawa ng clean-up activities sa ilog para alisin ang mga water hyacinths at mga basura.
Madz Moratillo