Operasyon ng Philippine Red Cross para sa COVID-19 testing babalik na
Balik operasyon na ang Philippine Red Cross sa pagsasagawa ng COVID- 19 test.
Natanggap na kasi ng PRC kagabi ang P 500 million na initial payment ng philhealth para sa may 1.1 billion na utang nito sa Red Cross.
Ayon kay Senador Richard Gordon, bukas na ang lahat ng kanilang laboratoryo sa buong bansa.
Prayoridad ng kanilang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport para sa mga dumarating na mga ofws at mga balikbayan.
Inihayag pa ng Senador na sa nakuha nilang datos umaabot sa mahigit 6,000 mga ofw’s pa ang istranded sa mga hotel at Quarantine facilities dahil hindi pa naisailaim sa testing matapos ngang ipatigil ang operasyon ng Red Cross.
Pero kahit balik operasyon na nilinaw ni Gordon na hindi malayong ipatigil nila ulit ang proseso kung hindi susunod ang philhealth sa kanilang nilagdaang kontrata.
Ayon sa senador, nagpdala na ng sulat si Atty. Dante Gierran sa Red Cross kung saan nag-alok siya ng renegotiation ng Contract.
Nangako rin aniya si gierran na ang balanse ng utang ay babayaran oras na mavalidate at maverify na ng Philhealth ang Documentary requirements mula sa PHILHEALTH.
Meanne Corvera