Operasyon ng PNP laban sa mga tambay, pinatitigil na ng mga Senador
Ipinatitigil na ng mga Senador sa Philippine National Police ang pag aresto sa mga tambay.
Kasunod ito ng kaso ng pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy na inaresto sa Novaliches dahil sa pagtambay pero natagpuang patay sa kulungan noong Martes.
Sinabi ni Senador Francis Escudero na dapat irekunsidera ng PNP ang hakbang at imbestigahan kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Argoncillo.
Senador Escudero:
“ I urge and call on the PNP leadership to reconsider it’s decision to simply “stand by” the findings of the QCPD on the death of Genesis Argoncillo and to, instead, fully investigate this matter. Please do not wait for us to do your job for you”.
Nababahala rin si Senador Bam Aquino sa tila paiba-ibang deklarasyon ng mga pulis sa naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Dapat lamang aniyang imbestigahan ang operasyon ng PNP laban sa mga tambay dahil halos lahat ng mga naaresto ay mga mahirap at ginagawa ang operasyon sa mahihirap na mga komunidad.
Senador Bam Aquino:
“Nakakabahala pa na paiba-iba ang deklarasyon ng pulis sa dahilan ng kaniyang pagkamatay. Bakit ang operation sa mga mahihirap na community at mahihirap ang mga biktima”.
Giiit ni Senador JV Ejercito, dapat may malinaw na guidelines ang PNP kung sino at ano ang mga batayan ng ginagawang pag -aresto.
Senador JV:
“Dapat i-clarify ng PNP yung guidelines, dapat mayroon silang guidelines in the first place kasi parang noong nagbigay ng order ang Pangulo agad-agad nilang implement without informing the public about the guidelines. So ano ba ang bawal, ano ba ang hindi? King ikaw man ay isang ordinaryong mamamayan o ordinaryong Juan dela Cruz hindi mo rin alam kung what is accepted or not”.
Ulat ni Meanne Corvera