Operasyon ng public transportation, tuloy pa rin kahit nasa ECQ ang Metro Manila
Mananatili ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila kahit pa nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula August 6-20, 2021.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ay upang may masakyan ang mga essential worker at mga medical health worker.
Maliban dito, makatutulong ang public transport sa mga mass vaccination lalu’t target mabakunahan ang nasa 250,000 indibidwal kada araw sa NCR sa panahon ng pag-iral ng ECQ.
Ngunit dapat aniyang ipatupad pa rin ang health at safety protocol sa mga pampublikong sasakyan upang maiwasan ang hawahan ng virus.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na maglalabas ng guidelines ang Department of Transportation (DOTr) ukol dito.