Operasyon ng small town lottery, hindi na dapat ibalik pa dahil nagiging dahilan ng paglaganap ng Jueteng
Bagamat ibinalik na ni Pangulong Duterte ang operasyon ng Lotto, hindi naman pabor si dating PCSO chairman Erineo “Ayong” Maliksi na ibalik ang operasyon ng mga Small Town Lottery (STL).
Ayon kay Maliksi na dati ring Gobernador ng Cavite, inimbento ang STL para labanan ang Jueteng pero lalu lamang naging dahilan ito para lumaganap pa ang iligal na sugal.
Paliwanag ni Maliksi, ang operator kasi ng jueteng ang siyang nag-ooperate din ng STL at mga kubrador nito.
Aabot aniya sa 200 hanggang 300 milyong piso araw-araw ang nakokolekta sa STL sa Luzon pa lamang pero nasa 10 porsyento lamang ang nare-remit sa PCSO.
Kay dapat talagang pa-imbestigahan ito ng Pangulo.
“Napakalaking kalokohan at korapsyon talaga ng nangyayari kasi lahat ng STL operators ay mga dummy. Kaya dapat sana ay inimbentoang STL para mamatay ang jueteng lalu lamang lumaganap. Naging ligal ang iligal”.