Operasyon ng TNVs hindi dapat ipatigil ayon sa mga Senador

Hindi dapat agad-agad ipagbawal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagbiyahe at pagtanggap ng mga bagong application ng  Grab at Uber drivers.

Ayon kay Sen Grace Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Services, dapat  balansehin din ng LTFRB ang regulasyon ng mga Transport Network Vehicles Service O TNVs.

Iginiit ni Poe na kailangang makatiyak na mayroong alternatibong masasakyan ang mga commuter na ligtas, komportable at reliable o maasahan.

Paalala naman ni Senador Sonny Angara sa LTFRB,  nag divert sa Uber at Grab ang mga pasahero na nadismaya na sa madalas na pagtirik ng tren at kapalpakan sa serbisyo ng MRT, napuno na sa pang aabuso at sobrang paniningil ng mga bulok na taxi.

Sa halip na ipatigil at gipitin ang TNVs  iginiit ni Angara na dapat humanap ng solusyon ang LTFRB para tulungan ang mga mananakay.

 Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *