Operasyon sa tinatawag na Inno-Hub sa Pilipinas ng DOST-ITDI bukas na sa publiko
Binuksan na sa publiko ang bagong pasilidad ng Department of Science and Technology o DOST-Industrial Technology and Development Institute o ITDI na tinawag na Modular Multi Industry Innovation Center o MMIC o ang Inno Hub sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Annabelle V. Briones, Director ng ITDI, isa itong plataporma ng DOST para sa inobasyon na tutugon sa lumalaking demand ng Industriya sa bansa kasabay ng nararanasang pandemya na dulot ng COVID 19.
Sinabi naman ni DOST Usec Rowena Cristina Guevarra na malaki ang maitutulong ng bagong pasilidad sa mga kabilang sa Small, Micro and Medium Enterprises.
Bukod dito, magiging daan ang MMIC upang mahikayat pang lalo ang mga locale entrepreneurs sa bansa na mag develop at magproduce ng bagong mga produkto.
Sa panig naman ni DOST Sec. Fortunato dela Pena, dapat na maging proud ang DOST Community sa bagong Innovation Hub.
Sa pagbubukas ng MMIC sa publiko, maihahalintulad na ang Pilipinas sa mga bansang tulad ng Canada, Malaysia at Mexico na may mga innovation hub para sa pagpapalawig at pagpapaunlad ng pananaliksik ng mga may kaugnayan sa pagkain at nutraceutical.
Belle Surara