Operation Hakot, ipinag-utos ni PRRD sa mga LGU para sa 3-araw na Bayanihan Bakunahan laban sa Covid-19
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Gobernador at mga alkalde na hakutin ang mga tao na hindi pa bakunado sa kanilang nasasakupan at dalhin sa mga vaccination sites kaugnay ng isasagawang 3 araw na Bayanihan Bakunahan laban sa COVID-19 na magsisimula sa November 29 hanggang December 1.
Sinabi ng Pangulo na sanay naman ang mga local government official sa paghakot ng mga tao lalo na sa panahon ng eleksiyon kaya malaki ang kanilang papel na gagampanan sa Bayanihan Bakunahan para madala sa mga vaccination sites ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon sa Pangulo, bagamat walang batas na mag-oobliga sa bawat mamamayan na magpabakuna karapatan ng estado na protektahan ang kalusugan ng publiko dahil ang bansa ay nasa ilalim pa rin ng National Public Health Emergency dahil sa COVID-19 Pandemic.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 15 milyong indibiduwal sa 3 araw na Bayanihan Bakunahan para mapalakas ang anti-COVID-19 vaccination effort ng gobyerno.
Vic Somintac