Opisyal ng DepEd nadiin sa 2.4 billion overpriced na mga laptop
Nadiin ang mga opisyal ng Department of Education sa pagdinig ng Senado sa umanoy 2.4 billion na overpriced na mga laptop.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kinukwestyong kontrata binusisi ni Senador Francis Tolentino ang kontrata na ayon sa kanya malinaw na hindi napag-aralan.
Bakit nakasama raw sa Memorandum of Agreement ang probisyon para sa DOH at FDA.
Nagisa ang isa sa mga signatory ng kontrata na si Undersecretary Alain Pascua.
Bakit raw pinayagan nito na bilhin ang mas mahal na laptop kumpara sa kanilang naging rekomendasyon.
Mula kasi sa budget na 35, 046 pesos na kada piraso ng laptop umabot ito sa 58,300 dahilan kaya umabot na lang sa 39, 583 pirasong laptop ang nabili sa halip na 68,500 units.
Tanong naman ni Senador Alan Peter Cayetano incompetent ba o may kasabwat si Pascua sa PS-DBM.
Giit niya wala siyang pangalan sa kontrata na kinontra ng mga Senador.
Nakastigo naman ito matapos pagtaasan ng boses ang mga Senador.
Igiinit naman n ni dating PS-DBM director Usec Lloyd Christopher Lao na ang presyo ng laptop ay batay sa kanilang market research.
Mataas raw noon ang laptop dahil kulang sa stock dahil marami ang gumamit para sa online classes at work from home.
Sinabi ni Cayetano malinaw namang may sindikato sa loob ng PS-DBM at panahon na para buwagin ang ahensya.
Ipinatawag na ng Senado sa susunod na pagdinig ang bids and awards committee ng DepEd at mga opisyal ng PS-DBM na nag apruba ng kontrata.
Malinaw raw na nagkaroon ng sabwatan ang mga taga DepEd at PS-DBM nang sinadyang itaas ang presyo ng laptop.
Meanne Corvera