Opisyal ng LTFRB ipinatawag ng Senado para magpaliwanag sa suspensyon ng Uber
Ipinatawag sa Senado ang mga opisyal ng LTFRB para pagpaliwanagin sa pagpapataw ng isang buwang suspensyon sa operasyon ng Transport Network Vehicle Service na Uber sa kabila ng kanilang inihaing motion for reconsideration.
Nag ugat ang suspensyon matapos tumanggap ng mga bagong application ang Uber sa kabila ng July 26 ruling na nagpapatigil sa bagong activation at processing.
humingi naman ng paumanhin ang Uber sa LTFRB.
Ayon kay Senador Grace Poe, Chairman ng Senate Comm. on Public Services naglatag na sila ng mga rekoemndasyon kung paano pagbabayarin o papatawan ng multa ang Uber matapos lumabag sa utos ng LTFRB na itigil na ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong miyembro.
Nilinaw ni Poe na hindi nila pinapaboran ang Uber kundi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mahigit dalawandaang libong mananakay araw araw.
Kasama sa mga dumadalo sa close door meeting sina LTFRB Chair Martin Delgra at Board member Aileen Lizada.
Present din ang Regional Manager ng Uber na si Mike Brown at Uber Philippines General Manager Laurence Cua.
Ulat ni: Mean Corvera