“Oplan kain sigla” para sa mga batang malnourished, isasagawa ng DOH-MIMAROPA

Malaking suliranin pa rin hanggang sa kasalukuyan ang malnutrisyon sa Pilipinas.

Nangyayari ang malnutrisyon sa bata o sa matanda man kung ang katawan nila ay hindi nakakukuha nang sapat na sustansiyang kailangan nito upang makaiwas sa mga uri ng sakit o karamdaman.

Kaugnay nito, inilunsad ng Department of Health Region 4-b o MIMAROPA ang programang tinawag nilang “Oplan kain sigla”.

Ayon kay DOH-MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo, ang Oplan kain sigla ay isang feeding program sa nabanggit na rehiyon na naglalayong makatulong sa mga bata doon na malnourished.

Sinabi din ni Janairo na ang Oplan kain sigla ay magpapatuloy hanggang sa tuluyang bumalik ang lusog ng katawan ng mga batang sasailalim sa programang ito.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *