“Oplan Mayon”, inilunsad ng DOH
Bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, inilunsad na ng DOH ang ‘Oplan Mayon’
Ayon sa DOH, tumukoy na rin ang DOH -Region 5 ng mga contingency building na pwedeng gamitin bilang extension ward sakaling dumagsa ang mga pasyente na kailangang ng atensyong medikal.
Itinaas na rin ng regional health office sa Code Blue ang mga ospital sa Region 5.
Kapag code blue alert, 50 porsyento ng mga kawani ng ospital ay kinakailangang magreport sa trabaho para magbigay ng serbisyong medikal.
Binuhay na rin ng kagawaran ang ang hospital alliance network sa mga pribadong ospital at binabatayan na ang posibleng outbreak ng sakit sa mga evacuation center.
Nagpadala na rin ang DOH ng dalawang Rapid Health Assessment Team sa Camalig, Guinobatan at Ligao City.
Namigay din ang DOH ng tig-1,500 piraso ng face mask sa Guinobatan at Camalig at tig-58 libong piso na halaga ng gamot sa dalawang bayan.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===