Oplan Paglalansag, dapat ibalik ng PNP upang mabantayan ang mga Gov’t officials- former DILG Sec. Alunan
Para kay dating Department of Interior and Local government o DILG Secretary Raffy Alunan, bawat kapag umiinit ang political season, lumalala ang political rivalry na humahantong sa dahas.
Matagal na aniya itong kalakaran kahit noong panahon pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Suhestyon ni Alunan, dapat ituloy ng pulisya ang Oplan Paglalansag na pinasimulan niya noon kung saan binubuwag ang mga private armies at kinokolekta ang mga loose firearms.
Dapat din aniyang palakasin at ibalik ang Barangay intelligence network para mabantayang mabuti ang mga pulitiko at sila ang unang magsasabi kung may problema.
“Dapat nakabantay sarado ang PNP at National Peace and Order council sa mga areas na sinasabing political hotspots para mabantayan na yan”.
Bukod dito, dapat ding magkaroon ng reporma ang Criminal Justice system ng bansa kasama na dito ang pagsibak sa mga corrupt at kriminal na pulis, prosecution, judicial at mga nasa penoloy system.
“Itong reporma sa Justice system, matagal na yang kailangan. Hire and select the right talent to provide Public service at Public safety at bigyan sila ng bagong training, magandang equipment at proper leadership”.