Oposisyon, hinamon na magbitiw sa puwesto si Solicitor General Jose Calida
Pinagbibitiw na ni Senador Francis Pangilinan si Solicitor General Jose Calida.
Sa harap ito ng mga report na ang security agency na pag aari ng kaniyang pamilya ang nakakuha ng kontrata sa ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Pangilinan na gaya ni dating Tourism Secretary Wande Teo dapat magpakita rin ng delicadeza si Calida at dapat nang magbitiw sa pwesto.
Kahit hindi aniya konektado si Calida sa kumpanya ng kaniyang pamilya maaring mabahiran pa rin ang pinasok na kontrata sa gobyerno na unaabot sa 150 million.
Paalala ni Pangilinan ang security agency ay pag aari ng asawa at anak ni calida at sya rin ang tumatayong abugado ng mga ito kaya hindi maiaalis na may interes pa rin sila sa kumpanya.
Sen Kiko Pangilinan:
“If DOT Secretary Wanda Teo resigned because the DOT/PTV-4 favored her Tulfo brothers’ TV production company to the tune of P60 million worth of government contracts, then Solicitor General Jose Calida, the lawyer of the government, should resign as well”.
Ulat ni Meanne Corvera