Oposisyon, pormal nang ipinakilala ang Senatorial slate para sa 2019 elections
Ipinakilala na ng oposisyon ang kanilang official Senatorial slate para sa 2019 Midterm elections.
Pinangunahan ni Vice -President Leni Robredo ang presentasyon sa ‘Opposition’ 8 sa Parang, Marikina.
Kabilang sa ‘Opposition 8’ sina dating Interior Secretary Mar Roxas, Senador Bam Aquino, Atty. Chel Diokno, former Quezon Rep. Erin Tañada, dating Solicitor General Florin Hilbay, Magdalo Representative Gary Alejano, Marawi civic leader Samira Gutoc at election lawyer Atty. Romulo Macalintal.
Nauna nang sinabi ni Vice-President Leni Robredo na posibleng hindi nila bumuo ng complete slate o 12 Senatorial candidates.
Ito aniya ay dahil nais ng oposisyon na maibigay sa tao ang mga kandidatong dekalidad at hindi lamang ibinase sa popularidad.
============