Oposisyon sa Senado, dudulog sa korte para pansamantalang makalaya si Sen. de Lima at makaboto sa death penalty bill
Pinag aaralan na ng oposisyon sa Senado na dumulog sa Korte para hilingin na pansamantalang makalabas ng kulungan at makaboto si Senadora Leila de Lima sa panukalang death penalty bill.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, isa si de Lima sa labintatlong Senador na inaasahang boboto para tuluyang maibasura ang panukalamg ibalik ang parusang bitay.
Hindi pa naman aniya ito guilty at mahalaga aniya ang boto ni de Lima lalo na sa mga kritikal na isyu sa Senado gaya ng death penalry bill.
Pero ang Korte pa rin aniya ang magpapasya kung papayagan si de Lima.
Si de Lima ay kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.
Ulat ni: Mean Corvera