Oposisyon umalma sa alegasyon ng Malacañang… idinadivert lang umano ang tunay na isyu
Umalma ang oposisyon matapos idawit ng Malacañang sa umano’y destabilization plot laban sa administrasyon.
Ang oposisyon ang itinuturo ng Malacañang na umano’y nagpakalat ng mga video ni alyas Bikoy para sirain umano ang administrasyon.
Pero ayon kay Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan, maraming beses nang naglabas ng ganitong alegasyon kung saan idinadawit sila sa ouster plot.
Giit ni Pangilinan, gawa-gawa lang ito ng administrasyon para ilihis ang mga isyu at mga akusasyon laban sa administrasyon lalo na sa mga kaso ng pagpatay.
Imbes na magturo, dapat aniyang ipaliwanag ng gobyerno bakit walang nahuhuling mga drug lords o napaparusahang mga opisyal ng Bureau of Customs sa pagpupuslit ng tone-toneladang shabu.
Ulat ni Meanne Corvera