Oppenheimer wagi ng Golden Globe para sa best drama film of the year
Nanguna sa Golden Globe ang “Oppenheimer,” ang drama ni Christopher Nolan tungkol sa imbentor ng atomic bomb, pero ang “Barbie” na pelikulang kasabay nitong naging “hit” noong summer ay tinalo ng “Poor Things” bilang best comedy film.
Ang “Oppenheimer” ay nakakuha ng limang prize kabilang ang best drama, best director para kay Nolan, best score, maging ang acting trophies para kina Cillian Murphy at Robert Downey, Jr.
Sinabi ni Nolan sa mga mamamahayag sa likod ng entablado, na nadala siya sa “trahedya” ni J. Robert Oppenheimer, isang siyentipiko na nanatili ang katapatan sa kanyang bansa at hindi kailanman humingi ng paumanhin para sa kanyang mga aksyon, ngunit “winasak ng matinding guilt.”
Ayon kay Emma Thomas, producer ng pelikula at asawa ni Nolan, “his work about ‘one of the darkest developments in our history’ was ‘unlike anything’ anyone else is doing.”
Pinuri ni Murphy, na gumanap sa title character sa three-hour epic, ang kaniyang “visionary director,” habang si Downey, Jr., na gumanap sa papel ng mahigpit na karibal ng bida, ay tinawag ang pelikula na isang “obra maestra.”
Cillian Murphy, winner of the Best Performance by a Male Actor in a Motion Picture ñ Drama for “Oppenheimer,” and Robert Downey Jr., winner of the Best Performance by a Male Actor in a Supporting Role in any Motion Picture award for “Oppenheimer,” pose in the press room during the 81st Annual Golden Globe Awards at The Beverly Hilton on January 07, 2024 in Beverly Hills, California. Amy Sussman/Getty Images/AFP (Photo by Amy Sussman / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Sa pagwawagi bilang best director, tinalo ni Nolan si Greta Gerwig, na siyang nag-direk sa “Barbie” — ang isa pang bahagi ng “Barbenheimer” phenomenon na ang pinagsamang kita ay umabot sa $2.4 billion noong nakaraang taon sa box office.
Ang “Barbie” ang nangungunang pelikula dahil nakakuha ito ng siyam na nominasyon, subalit dalawa lamang ang napanalunan nito kabilang ang best song, para sa awiting isinulat ni Billie Eilish at kapatid niyang lalaking si Finneas, at bilang “highest grossing movie” ng taon ay pinagkalooban ito ng trophy para sa isang bagong likhang kategorya, ang box office achievement.
Sinabi ni Margot Robbie, bida at producer ng pelikula, “We would like to dedicate this to every single person on the planet who dressed up and went to the greatest place on Earth, the movie theaters.”
Ayon naman kay Gerwig, “Thank you to all the Barbies and Kens in front of and behind the screen.”
Tinalo ang “Barbie” ng “Poor Things” para sa best comedy award, kung saan nakuha rin ng aktres nito na si Emma Stone ang best actress award para sa kaniyang “no-holds-barred” na pagganap bilang si Bella Baxter.
Sinabi ni Stone, “Bella falls in love with life itself, rather than a person. She accepts the good and the bad in equal measure, and that really made me look at life differently.”
Pagkatapos ng isang annus horribilis, kung saan ang industriya ay pinilay ng mga welga, maraming A-listers ang dumalo at nakisaya sa gala noong Linggo.
Bumawi sa Oscars campaign trail ang mga bituin na hindi nakapag-promote ng kani-kanilang mga pelikula sa panahon ng ilang buwan ding welga ng Screen Actors Guild (SAG-AFTRA).
Kabilang din sa mga dumalo ang malalaking pangalan sa larangan ng musika gaya nina Bruce Springsteen at Dua Lipa, na kapwa nominado para sa best song at si Taylor Swift na kinakatawan ang bago niyang concert movie.
US singer-songwriter Taylor Swift arrives for the 81st annual Golden Globe Awards at The Beverly Hilton hotel in Beverly Hills, California, on January 7, 2024. (Photo by Michael TRAN / AFP)
Biro ng host na si Jo Koy, “The big difference between the Golden Globes and the NFL — on the Golden Globes, fewer camera shots of Taylor Swift.”
Ang mga panalo ng high-profile films gaya ng “Barbie” at “Oppenheimer” ay isang “welcome boon” sa mga bagong may-ari ng Globes, na dumanas ng mga taon ng kontrobersya at bumabang bilang ng mga manonood.
Matagal nang tinaguriang “biggest party” ng Hollywood, ang Globes ay binoykot ng industriya pagkatapos ng mga paratang ng katiwalian at rasismo na lumitaw noong 2021, at ang palabas ay inalis sa ere pagkalipas ng isang taon.
Binuwag naman ang kontrobersiyal na grupo ng Los Angeles-based foreign journalists na lumikha sa Globes 80 taon na ang nakalilipas, at isang mas malawak na grupo ng overseas critics ang ipinalit upang siyang pumili sa mga mananalo ngayong taon.
Ayon kay Downey, Jr., “Golden Globes journalists, thanks for changing your game.”
Ang Globes ay magbibigay ng napapanahong pagpapalakas para sa Oscars.
Ang nominations voting para sa Academy Awards ay nagsimula noong Huwebes, at ang Oscars ngayon taon ay gaganapin naman sa Marso 10.
US actress Lily Gladstone (L) and US actor Leonardo DiCaprio arrive for the 81st annual Golden Globe Awards at The Beverly Hilton hotel in Beverly Hills, California, on January 7, 2024. (Photo by Michael TRAN / AFP)
Ang katutubong aktor na si Lily Gladstone ang nanalo bilang best actress in a drama, para sa kanyang papel sa “Killers of the Flower Moon” ni Martin Scorsese, kung saan naghatid siya ng ilan sa kaniyang maramdaming talumpati sa katutubong wika ng Blackfeet Nation.
Aniya, “This is an historic win, it doesn’t belong to just me. This is for every little res kid.”
Pinalakas naman nina Paul Giamatti at Da’Vine Joy Randolph ang kanilang Oscars campaigns sa pamamagitan ng panalo para sa “The Holdovers,” kung saan ginampanan nila ang papel ng isang history teacher at cook sa isang 1970s prep school.
Ang best screenplay at best non-English language film ay napanalunan ng French courtroom drama na “Anatomy of a Fall.”
Sinabi ng direktor at co-writer ng pelikula na si Justine Triet, na “tila hindi totoo” ang manalo ng dalawang award, laluna sa screenplay category, kung saan nominado rin si Scorsese, Nolan at Gerwig.
Ang “The Boy and the Heron” ni Hayao Miyazaki ang nag-uwi ng tropeo para sa best animated film.
Pinarangalan din ng Globes ang pinakamahusay sa telebisyon, isang linggo bago ang Emmys na naantala dahil sa welga.
Dinomina ito ng “Succession” na nanalo ng best drama series, at acting awards para sa mga gumanap dito na kinabibilangan nina Kieran Culkin, Sarah Snook at Matthew Macfadyen.
Ang “The Bear” naman ang nagdomina sa comedy categories, habang ang road-rage saga na “Beef” ang nagdomina sa limited series.
Ang dating Globes host na si Ricky Gervais, na hindi dumalo, ay wagi bilang best stand-up comedy performance, na isang bagong category.