Opposition Congressmen, iginiit na dapat ilantad ng Malakanyang ang totoong kalagayan ng Pangulo

digs3

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Humihingi ng karagdagang paliwanag ang ilang kongresistang taga oposisyon sa Palasyo hinggil sa tunay na sitwasyon ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Ito ay matapos na simula noong Lunes, Independence Day, ay no show ang Pangulo sa publiko at idinadahilan lamang na kailangan nitong magpahinga.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi sanay ang publiko na wala ang Pangulo lalo pa’t ngayon ay nahaharap pa rin sa krisis ang bansa dahil sa kaguluhan sa Marawi.

Tiyak aniyang hindi nakukuntento ang taumbayan sa paliwanag na nagpapahinga lamang ito.

Karapatan aniya ng publiko na malaman ang tunay na sitwasyon sa kalusugan ng Presidente at hindi ito dapat itinatago dahil hindi naman ito banta sa national security.

Kinatigan naman ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat at iginiit ang transparency sa kalusugan ng Pangulo.

Kung walang impormasyon na ilalabas ang Malacañang ay magpapatuloy lamang ang aniya mga spekulasyon.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *