Opposition Congressmen na kumuwestyon sa deklarasyon ng Batas Militar sa SC may sintomas ng Psychosis ayon kay SolGen Calida

Nakahanda si Solicitor General Jose Calida na idepensa sa Korte Suprema ang Martial Law declaration ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Ayon kay Calida, ang denial o pagtanggi ng opposition Congressmen na may nagaganap na rebelyon sa pinagsanib na pwersa ng Maute group at Abu Sayyaf at may presensiya ng dayuhang terorista ay sintomas ng Psychosis dahil malayo sila sa katotohanan.

Tinawag pa ni Calida na rabble-rousers o manggugulo ang mga nasabing kongresista sa pagsasabing walang factual basis ang proklamasyon ng batas militar.

Para rin aniyang sinabi ng oposisyon na hindi sumisikat ang araw sa Silangan.

Giit ng Solgen walang nakasaad sa saligang batas na ang deklarasyon ng Martial Law ay kailangan ng rekomendasyon o concurrence ng defense secretary o sinomang gabinete.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *