Oral arguments ng Korte Suprema sa petisyon laban sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC, iniurong sa August 7

Iniurong ng Korte Suprema ang Oral arguments sa mga petisyon na humihiling na ipawalang bisa ang pagkalas ng gobyerno ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court o ICC.

Sa halip na sa July 24 ay isasagawa na ang Oral arguments sa August 7 sa ganap na alas – 2:00 ng hapon.

Kasama na sa isasalang sa oral arguments ang ikalawang petisyon laban sa ICC withdrawal na inihain ng Philippine Coalition for the International Criminal Court.

Kaugnay nito, inatasan ng Supreme Court ang mga respondents sa kaso na maghain ng komento sa petisyon ng PCICC sa loob ng sampung araw.

Ilan sa mga respondents ay sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Pinadadalo rin ng Korte Suprema ang mga abogado ng mga partido sa preliminary conference sa July 31 sa ganap na alas – 2:00 ng hapon.

Una nang iniutos ng SC ang pag-consolidate sa dalawang petisyon na inihain ng mga opposition senators at ng PCICC.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *