Oral Arguments ng SC sa Quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Sereno, napuno ng tensyon

Naging mainit at puno ng tensyon ang pagsalang ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa oral arguments ng Korte Suprema sa Baguio City kaugnay sa Quo Warranto petition laban sa kaniya.
Nag-testify under oath si Sereno sa kaniyang pagharap sa mga Mahistrado sa Oral Arguments.
Una sa nagtanong kay Sereno si Justice Teresita de Castro.
Agad na nagkainitan ang dalawa sa pagsisimula pa lang.

Inungkat kaagad ni De Castro kung nagsumite si Sereno consistently ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Pero sa halip na sagutin ito ni Sereno ay palaban itong nagbato rin ng tanong sa mga Mahistrado kung matitiyak ba ng mga ito na nakapagpasa rin sila ng kinakailangan SALN.

Inihalimbawa pa ni Sereno si De Castro na dapat 39 SALN’s ang isinumite sa halip na 15 lamang nang mag apply sa pagiging Chief Justice noong 2012.

Nanindigan si Sereno na naghain siya ng mga kinakailangan saln pero hindi niya ito ma-produce o maiprisinta pa sa SC En Banc sa kasalukuyan.

 

Ulat ni Moira Encina

 

ipinunto pa ni sereno na mayroong exception sa batas sa pagsusumite ng saln partikular sa ra 3019 at ra 6713 ukol sa temporary workers at ang mga hindi nakatatanggap ng compensetion o sweldo.

 

makailang beses namang pinuna ni de castro si sereno dahil sa hindi niti direktang pagsagot  sa kanyang mga tanong at pagsagot naman habang di pa siya sa pagtatanong.

 

pinasinungalingan naman ni de castro ang alegasyon ni sereno na sinabihan nya raw ito sa unang araw nito na pagiging punong mahistrado na hindi niya ito mapapatawad sa pagtanggap nito sa posisyon.

 

papatunayan anya ito ni de castro na hindi ito totoo sa isang resolusyon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *